^

True Confessions

Ate Flora (65)

- Ronnie M. Halos -

“ATE Flora, napa­pan­sin mo ba yang mga lalaking nasa tapat natin? Parang sa ating dalawa na­ka­tingin,” bulong ko.

“Napapansin ko rin.”

“Bakit kaya Ate?”

“Ewan ko nga.”

Nang magbabaan ang mga lalaki ay saka lamang nala­man na si Ate pala ang pinag-uusapan ng mga lalaki. May punit pala ang damit ni Ate sa tagiliran at halos makita na ang puno ng dibdib niya. Ngayon lamang na­min napansin iyon. Kanina ay masyado kaming naging abala sa pagbubulgar ng baho nina Tita Raquel at Michelle.

“Ate nasisilipan ka na pala e hindi natin alam,” sabi ko at nang malaman ni Ate ay big­lang kinipit ang suot.

“Kukunin ko sa back­pack ang lumang swea­ter Ate para maitago ang punit ng damit mo.”

“Sige, Ara.”

Nakuha ko ang da­mit at iyon ang sinuot ni Ate. Mabuti na la­mang at dalawang ba­bae na lamang ang pa­sahero ng dyipni.

“Muntik na akong magahasa ng hayop na si Marlon, Ara. Kung hindi ko siya nasaksak sa kamay, baka luray na luray na ako. Mabuti na lang pala at bigla kang lumabas sa basement at nagtungo sa kuwarto.”

“Kasi nga malakas ang kutob ko na may masamang balak si Marlon sa ‘yo. Noon ko pa naririnig na pinagna­nasaan ka niya.”

“At mabuti rin Ara, na lagi kong dala ang icepick sa bulsa ko. Kung hindi dahil sa ice pick baka nga nagaha­sa na ako.”

“Nasaan na ang ice pick Ate?”

“Andito sa bulsa ko. Binalot ko ng panyo.”

Humanga ako sa ta­pang ni Ate. Buo ang loob niya.

Hanggang sa mara­ting namin ang terminal ng bus sa Taft Ave at Buendia.

“Dito muna tayo tu­mambay, Ara. Hindi naman tayo mapag­ka­kamalang tumatambay lang dito. Aakalain, pa­sahero tayo…”

Bumilib ako kay Ate.

“Kahit dito tayo ma­tulog e wala sigurong sisita sa atin.”

“Saan naman tayo maaaring matulog Ate?”

“Diyan sa mga bang­kong hintayan ng pa­sahero.”

Doon nga kami  nag­palipas ng gabi. Siopao at softdrinks ang kinain namin sa hapunan. Pero masaya ako dahil na­katakas na nga kami sa bahay ni Tita Ra­quel. Makapag­titiis ako huwag na lang bumalik sa bahay ni Tita Ra­quel.

Kinabukasan ng uma­ga, nagkaroon kami ng pag-asa ni Ate. Nakita namin na pababa ng bus na galing probin­siya si Aling Cely. Siya yung kasama­han ni Mama sa mu­nisipyo.

Nasa tabing binta­na si Aling Cely kaya madali namin siyang nakita ni Ate.

“Aling Cely!”

Nagulat si Aling   Ce­ly nang makita ka-mi. Napansin namin ang malaking bag na dala niya. Parang mga damit ang laman niyon. (Itutuloy)

vuukle comment

ALING CELY

ATE

MARLON

SHY

TITA RA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with