Ang Kapitbahay (126)
“PAANO niyang nalaman?” tanong ni Margie na ang mga mata ay dilat na dilat at punumpuno ng pagkabigla.
Hindi sumagot si Vince.
“Basta mas makabubuting sabihin mo na kay Renan ang lahat bago may mangyari.”
“Ayoko Vince!”
“Takot kang malaman ni Renan ang iyong kataksilan?”
Hindi sumagot si Margie.
Nakatingin lamang kay Vince.
“Tawagan mo na siya at ipagtapat ang lahat. Wala nang pinakamabuti kundi malaman niya ang nangyayari. Ikaw ang dapat magsabi sa kanya,’’ sabi ni Vince at saka umalis.
Naiwan si Margie na nakatulala.
Nang makabalik sa bahay si Vince, napag-isip-isip niya na tama lamang ang ginawa niyang pagsasabi kay Margie na ipagtapat ang nangyari kay Brenda na sumama itong nakipagtanan kay Ram. Wala nang iba pang magandang gawin kundi ito.
Pero tutol si Margie dahil sisingaw ang baho niya. Pero magtapat man siya o hindi, malalaman din ni Renan ang lahat.
Alam na nga ni Renan dahil tinext na niya ang ginagawa ni Margie na pakikipagrelasyon sa ibang lalaki—kay Ram nga.
ISANG tanghali, nabulabog ang pag-idlip ni Vince nang makarinig ng sigaw mula sa katabing bahay.
Dali-dali siyang sumilip.
Nakita niya si Renan. Ito ang sumisigaw.
Itutuloy
- Latest



















