^

True Confessions

Ang Kapitbahay (128)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKITA ni Vince na isa-isang pinulot ni Margie ang mga nakakalat­ na damit sa semento. Pa­­tuloy na sumisigaw si Renan­ habang nakatingin kay Margie. Nagliliyab ang mga mata nito sa galit.

Matapos mapulot ang mga damit ay nagmamadaling lumabas ng gate si Margie. Mistulang hayop na bahag ang buntot na nagkumahog sa pag-alis para hindi matikman ang bangis ng galit ni Renan.

Nang makaalis si Margie, pumasok na sa loob ng bahay si Renan. Kung ano ang ginagawa sa loob ay hindi alam ni Vince.

Maaring nakaupo sa sopa at nagmumuni-muni sa nang­yari sa kanyang buhay­.

Maaring natuklasan na ni Renan ang pagsama ni Brenda kay Ram. Tiyak din na nalaman na niya na si Ram ang kalaguyo ni Margie. Maaring­ umamin na si Margie. Iyon ang dahilan kaya sumisigaw sa galit si Renan kanina—ang kalaguyo ni Margie ang sinamahan ni Brenda. Walang ka­singsakit. Dahil sa pag­lalaro ng apoy ni Margie, nada­may sa sunog si Brenda.

Mabuti at nakapag­timpi si Renan at hindi napatay si Margie. Kung sa ibang lalaki nangyari iyon, baka bangkay na si Margie.

(Tatapusin na bukas)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with