300 ospital magwewelga
(Kasaysayan ni Cindy ng
HINDI na sa pama magitan ng sulat kami nagkaroon ng komunikasyon ni Melvin kundi sa cell phone na. Pinayuhan ako ni Melvin na bumili ng cell phone para raw lagi niya akong matatawagan tungkol sa development ng papers ko.
Isang buwan pa ang hinintay ko at du mating na ang kinasasabikan kong balita mula kay Melvin.
“Your paper is approved. No problem anymore honey….” sabi niyang tuwang-tuwa nang tawagan ako. Pagkara-an daw ng ilang buwang pag-aayos sa mga documents ko ay naaprubahan din. Nang tanungin ko kung kailan ako makapupunta sa Tate ay sinabi niyang mga 15 days pa. Isang pirma na lang ang kailangan at maipadadala na niya sa akin ang kopya niyon.
“How about my plane ticket Melvin?”
Wala raw proble- ma sa ticket sapagkat bukas na bukas din ay bibili siya at aayusun na rin ang booking ng flight ko.
Nang matapos ka ming mag-usap ay halos maglulundag ako sa tuwa. Totoo na ito at hindi ako nananaginip lamang. Labinlimang araw na lamang at makayayapak na ako sa
Kinuha ko sa lalagyan ang aking mga sapatos. Pinili ko roon ang aking isusuot patungong US. Gusto ko magandang-maganda ang aking suot na damit at sapatos.
Pagkaraan nang matagal na panahon ay matutupad na rin ang aking matagal na pangarap.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending