Sadik (ika-12 na labas)
November 7, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
KINABUKASAN, dakong alas-otso ng umaga ay lumakad na naman kami ni Sadik. Kumain daw ako nang marami sapagkat malayo ang aming pupuntahan. Baka raw abutin kami ng init at sandstorm sa daan kaya magdala rin daw ako ng ekstrang damit at tuwalyang pangkober sa ulo at mukha. Sinunod ko ang mga sinabi niya.
Habang tumatakbo kami ay napansin kong busy si Sadik sa pagkukuwenta. Hindi ko naman alam kung ano ang kinukuwenta dahil nakasulat sa Arabik pero napakarami niyang listahan. Pabalik-balik niyang kinukuwenta ang mga nakasulat sa papel.
Habang ginagawa niya iyon ay naisip kong mahusay na katiwala si Sadik (kung totoo nga ang sinabi niya na katiwala siya) sapagkat nagagampanan niya ang tungkulin. Kahapon lamang nang kunin namin ang 20 stainless na timba ng gatas ng kamelyo ay nakuwenta kong malaking halaga ng pera iyon. At kung tatlong beses na nagrarasyon ng gatas sa village na iyon, malaking pera ang sumasampa. Paano kaya ang paniningil na ginagawa ni Sadik sa mga taga-Village na nirarasyunan ng gatas? Baka lingguhan ang singil niya?
"Muskila, Antonio?"
Nagulat ako sa tanong ni Sadik.
"Mafi muskila, Sadik."
Napatawa si Sadik sa sagot kong Arabik. Hindi siguro akalain na madali akong matututo.
"Good! Good!"
"Shokran, Sadik!" sagot ko.
Tinanong ko kung saan kami pupunta ngayong araw na ito.
"Tamr plantations. Kater tamr!"
Maraming dates daw sa pupuntahan namin. Gaano kaya karami?
Apat na oras kaming nagbiyahe. Pagod na pagod ako at uhaw na uhaw nang sapitin ang lugar. Pinainom ako ni Sadik ng gatas at tamr.
Marami ngang dates sa pinuntahan namin. Naabutan namin ang mga trabahador na pinuputi sa puno ang dates.
Kinausap ni Sadik ang isang lalaki na namamahala sa pagputi ng bunga. Pagkuway inatasan akong ipagpatuloy ang pagmamaneho at tinungo namin ang isang malaking bodega. Sa bodegang iyon ko nakita ang maraming dates. Nakatambak na parang bato sa dami.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended