^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-92 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

"HINDI na tayo mahihirapang magtapat sapagkat si Nanay Caring este si Mama pala ang magtutulak sa iyo na ligawan ako," sabing tuwang-tuwa ni Ninang Joy. Ang kaligayahan ay nakikita ko sa kanyang mga mata at sigla sa pagsasalita.

"Di ba sabi ko nga sa’yo gustung-gusto ka ni Mama. Noon pa halata ko nang malapit na malapit ang loob niya sa’yo."

"Kaya pala nang masaktan ako sa mga naging boyfriend ko noon ganoon na lamang ang payo niya sa akin. Huwag ko raw masyadong isipin ang nangyari at marami pa namang lalaki. Masyado siyang nag-alala sa akin nu’n."

"Tiyak na sa pagtawag niya o pagsulat sa akin, ang sasabihin niya ay ang tungkol sa iyo."

"Tiyak ‘yon Erik. Itutulak ka ni Mama na ligawan na ako."

"Sabihin ko kaya na hindi kita type para naman magkaroon ng kaunting challenge."

"Oy baka sumama ang loob ni Mama. Basta tango ka na lang nang tango sa mga sasabihin niya."

Tama ang hula ni Ninang. Kinabukasan ay tumawag sa akin si Mama at may kaugnayan kay Ninang ang dahilan. Sa opisina niya ako tinawagan.

"Wala ka pa bang nililigawan, Eric?" sabi ni Mama na nagbibigay palatandaan na ipapasok ang topic tungkol kay Ninang.

"Wala pa ‘Ma," sagot kong painosente.

"Tumatanda ka na. Baka hindi ko na makita ang magiging manugang ko."

"Wala akong makitang babae ‘Ma. Gusto ko kamukha ni…"

"Nino ni Jamie. Sabi ko naman sa’yo ang nakaraan ay nakaraan na. Maghanap ka ng iba."

"Wala akong makita rito ‘Ma."

"Hindi ka naman yata naghahanap?"

"Naghahanap ako, ‘Ma."

Saka maya-maya ay nagseryoso sa pagsasalita.

"Ba’t hindi si Joy ang ligawan mo?"

Kunwari ay nagulat ako.

"Ano po, si Ninang Joy?"

"Oo."

"’Ma, ang laki ng agwat ng edad namin ni Ninang. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao."

"Anong deperensiya kung may edad ang babae?"

vuukle comment

AKO

ANO

ANONG

BATAY

NANAY CARING

NINANG

NINANG JOY

TIYAK

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with