Laro sa Putikan (Ika-147 labas)
July 8, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
IYON ang pinaka-maganda kong narinig kay Kuya Jeff.
"Hindi ubra ang kita ng tindahan, Jean," sabi pa ni Kuya Jeff. "Gusto kong bumalik diyan. Ihanap mo ako ng trabaho. Kahit ano "
"Kahit janitor puwede ka?" tanong ko. Pinilit kong huwag magtawa. Sinubukan ko kung ano ang magiging reaksiyon.
"Puwede."
"Sige, irerekomenda kitang janitor dito sa ospital. Kaya lang maliit ang sahod."
"Magkano?"
"Five hundred riyals " pinilit kong huwag magtawa.
"Ano?"
"Five hundred," ulit ko.
"Sobra namang baba. Pero di bale pagtitiyagaan ko na lang."
"Payag kang maging janitor?"
"Oo. Mahirap nga rito. Kailangan kong makapag-ipon para sa dalawang bata. Gusto kong magkaroon sila ng magandang kinabukasan."
"Payag ka kahit 500 riyals ang suweldo?"
"Oo."
Mukhang seryoso nga si Kuya Jeff. Papasukin kahit ano para lamang kumita at mapaghandaan ang pag-aaral ng dalawang anak. Lalo siyang napamahal sa akin.
"Kahit nga 300 riyals ang suweldo tatanggapin ko," sabi pa.
"Owwws sobra ka naman."
"Talaga. Kahit mababa ang suweldo basta kasama kita diyan okey lang."
Ako naman ang nagulat. Hindi ako nakapagsalita.
"Hindi ako nagbibiro. Pinalipas ko lang ang isang taon ng pagkamatay ng ate mo. Naisip ko kailangan ko namang intindihin ang aking sarili. Kailangan ko namang lumigaya."
Hindi ako makapagsalita. Totoo ba ito?
"Ihanap mo ako kahit na janitor o taga-hugas ng paa ng Arabo ha?"
Humagalpak ako ng tawa. Kasabay niyon ay may tumulong luha sa mata ko. Pero lihim iyon. Luha iyon ng kaligayahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended