Laro sa Putikan (Ika-146 labas)
July 7, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
ANG sulat ni Kuya Jeff ay malaki ang naitulong sa akin para labanan ang nadamang kahomsikan sa pagbabalik na iyon sa Riyadh. May hatid na ligaya sa akin ang kanyang mga sinabi. May pag-asa. Sa dakong huli, lumabas na inaasam din niyang magkasama kaming muli sa Riyadh. Maging tulad ng dati na nagmamahalan at nagsusunuran.
Sa pagkakataong iyon ay nangarap pa ako. Matayog na pangarap. Kaming muli ni Kuya Jeff ang magkakasama at kaiba na ngayon kaysa noon. Noon ay may kinatatakutan pero sa pagkakataong ito, wala na ang takot. Maaari nang lumantad at hindi na matatawag na paglalaro sa putikan ang magaganap.
Inaasahan kong magaganap ang mga pinapangarap kaya naging maagap ako sa kaibigan kong manager sa ospital na maipasok doon si Kuya Jeff. Kahit na clerk typist. Kahit na messenger. Kahit ano, ang mahalagay may mapasukan siyang trabaho.
Sabi sa akin ng Ara-bong manager, "Mafi muskilah, Jean. Dont worry, akoh bahalah!"
Gusto kong maglulundag sa tuwa. May sigurado nang papasukan si Kuya Jeff sakali at hindi maging successful ang kanyang tindahan sa Pinas.
Isang taon ang lumipas. Sumapit ang babang luksa kay Ate. Tumawag ako kay Kuya Jeff.
"Kumusta ang babang luksa?"
"Okey naman. Nagpadasal ako. Naghanda ng konti. Tapos ay dinalaw namin ang libing ng ate mo sa memorial park."
Ang lagay ng tindahan niya ang aking kinumusta.
"Malakas ba o mahina?"
"Medyo mahina."
"Anong pasya mo?" tanong ko.
"Gusto kong pumunta diyan."
Tuwang-tuwa ako.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended