^

True Confessions

Hiyasmin (220)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Hindi ko alam na gan­yan pala ang nang­yari kina Hiyasmin at Dax, Mareng Julia. Hindi ikinu­kuwento sa akin ni Hiyas­min na nakiusap pala siya kay Dax para maging kasambahay,’’ sabi ni Mama Lira na nagtataka ang boses.

“Ganyan nga ang nangyari, Mareng Lira. Pero hindi pumayag si Dax na gawin siyang kasambahay at sa halip ginawang scholar si Hiyasmin. Makaraan iyon, muling nagmakaawa si Hiyasmin na patirahin na sa bahay. Ayon kay Hiyasmin, natatakot siya sa kanyang stepfather na maaaring ga­hasain siya. Pagkukuwento ni Hiyasmin, lagi raw siyang sinisilipan ng kanyang stepfather at baka raw dumating ang oras na pasukin siya nito sa banyo at reypin.

“Napakiusapan daw niyang muli si Dax kaya ma­sayang-masaya siya. Sa wakas daw, matatakasan na niya ang ginagawang pa­­ninilip ng manyakis na stepfather,” tumigil sa pag­sasalita si Nanay Julia nang mapansin na bumuntunghininga si Mama Lira at nag-isip.

“Bakit Mare?’’ tanong ni Nanay Julia.

“Ha? A e naisip ko lang Mare ang mga kawalanghiyaang ginawa ng demonyo kay Hiyasmin. Totoo yun na talagang sinisilipan ng demonyo si Hiyasmin. Nag­sumbong sa akin si Hiyasmin sa ginagawa ng demonyo pero wala akong magawa. Takot ako sa demonyo. Wala akong nagawang tulong kay Hiyasmin. Kaya nang magpasya si Hiyasmin na hindi na titira sa bahay, hindi na ako tumutol. Wala naman akong magawa para siya protektahan. Naging sunud-sunuran ako sa gusto ng demonyo!”

Samantala, habang nag­ku­kuwentuhan sina Mama Lira at Nanay Julia, napansin sila nina Hiyasmin at Dax.

“Sarap na sarap sila sa pagkukuwentuhan, Hiyasmin. Ano kaya ang pinagkukuwentuhan nila?”

“Nagkukumpisal siguro si Mama.”

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with