^

True Confessions

Hiyasmin (213)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi na ako naka­pagpigil kaya sinugod ko ang mga walanghiya. Sa kauna-unahang pagka­kataon ay nasuntok at na­kalmot ko sa likod ang aking asawa. Pero ako pa ang na­saktan nang ayos dahil nang makakuha ng tiyempo ang walanghiya ay pinagsusuntok ako at pinagsasampal. Halos umugong ang aking taynga sa mga sampal na dumapo. Kulang na lamang ay patayin ako ng walanghiya. Ang kanyang katalik na babae ay nakatingin lamang at para bang natutuwa pa sa gi­nawa sa akin. Ang babae ay kilalang prostitute sa aming lugar. Madalas kong makita ang bayarang babae na pagala-gala sa pag­hahanap ng customer. Kahit sino ay inaalok ng pa­nandaliang aliw ng babaing bayaran.

“Nang makakuha ng ti­yempo ang bayarang babae ay dali-daling nagbihis at tumakbo palabas ng bahay. Patuloy naman akong sinaktan at pinagsisigawan ng walanghiya kong asawa.

“Halos hindi ako maka­gulapay dahil sa matinding bugbog. Maya-maya, nakita kong umalis ang walanghiyang lalaki. Dahan-da­han akong kumilos. Pinilit kong ma­­kalakad sa kin­a­ro­roonan ng mga gamot para sa sugat. Pinahiran ko ng gamot ang namamaga kong pisngi, braso at dibdib. May mga pasa rin ako sa binti dahil sa pagsipa sa akin.

“Nang umuwi ang wa­langhiya ay binalaan pa ako na mas matindi pa ang ma­titikmang bugbog kapag pi­­nakialaman siya sa gina­gawa. Huwag ko na raw uulitin ang ginawa. Ako pa ang lumabas na mali. Napaka­walanghiya talaga. Wala na­man akong masabi dahil sa takot na bugbugin uli niya. Umiyak na lamang ako. Iyon ang tangi kong nagawa.

“Mula noon, ilang beses pa siyang nagdadala ng ba­yarang babae sa bahay. Dahil sa ginagawa niyang pakiki­pagtalik sa ibang babae, hindi na ako sumisiping sa kanya. Alam ko na maari akong ma­hawa ng sakit na makukuha niya sa mga bayarang babae. Kahit na pinipilit niya akong magtalik kami, tumatanggi ako. Kahi sinaktan niya ako dahil sa hindi pakikipagtalik sa kanya, hindi pa rin niya ako napilit. Suklam na suklam at diring-diri ako sa walang­hiya. Pero wala naman akong lakas na layasan ang demonyo,’’ pagkukuwento ni Mama Lira kay Nanay Julia.

Damang-dama ni Nanay Julia ang masakit na pinagda­anan ni Mama Lira.

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with