^

True Confessions

Hiyasmin (216)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Mama Lira sa pagkukuwento kay Nanay Julia. Lahat nang mga naranasan at ginawa ay hindi itinago. Siguro ay nakakapagpaluwag ng dibdib ang pagsisiwalat sa mga dinanas na kalupitan at pang-aapi.

“Pagkatapos mailibing ang taong nagpahirap sa akin, tinipon ko lahat ang kanyang mga damit, gamit at iba pang pag-aari. Inilagay ko ang mga iyon sa plastic garbage bag at dinala sa bakanteng lote na tambakan ng basura na hindi kalayuan sa amin. Ibinagsak ko lahat doon kasama ang iba pang mga basura.

“Hindi pa ako gaanong nakakalayo—siguro ay dalawang kalye pa lamang ang nalalakad ko, biglang ­nagliyab ang mga tinapon kong damit at iba pang gamit. Nagulat din ang iba pang mga taong naglalakad kung bakit biglang nagliyab at nasunog ang mga basura.

May hinala ako na ang tinapon kong mga lighter at buthane na pag-aari ng demonyo ang naging dahilan ng pagliyab. Isang iglap lang ay nasunog ang mga gamit. Naging abo sa isang saglit.

“Nang bumalik ako sa bahay, pakiramdam ko nawala ang bakas ng demonyo. Naglahong ganap at wala nang naiwan—natupok na lahat!

“Ang sunod kong ginawa ay ang paghanap ng ibang matitirahan. Gusto ko sa bagong tirahan na walang nanirahang kampon ng kadiliman.”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with