^

Dr. Love

Ayaw sipingan ng asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Nagtataka ako sa biglaang pagbabago ng aking mister. Dati siyang mahilig sa sex at walang gabing ‘di kami nagniniig bago matulog.

Kung minsan, paggising namin sa umaga ay nagtatalik pa rin kami. Kahit wala ako sa mood ay pinagbibigyan ko siya dahil alam kong obligasyon ko ito bilang misis niya.

Pero ngayon, may isang buwan na siyang hindi nangangalabit na labis kong ipinagtataka.

Hindi ako nakatiis at inusisa ko na siya. Sabi niya pagod lang siya.

Hindi ako palahanap pero nagsisimula na akong magduda na  baka may sinisipingan na siyang iba.

Naikuwento ko ito sa best friend ko na nagsabing nagkaganoon din ang kanyang mister nang ito’y magkaroon ng venereal disease na kalaunan ay ipinagtapat sa kanya. Ano kaya ang dahilan at ayaw nang sumiping ng aking mister sa akin?

Melva

Dear Melva,

Mahirap manghula at malalaman mo lang ang totoo kung magtatapat siya sa iyo. Bukod sa may ibang babae sa buhay niya, posible rin na ang dahilan ay may vd siya.

Pag-usapan ninyong mabuti at manatili kang mahinahon upang makumbinsi mo siyang magsabi ng totoo.

Kung may sakit siya  na nakuha sa pakikipagtalik sa iba, dapat muna itong maipagamot ng ga-nap, maliban sa AIDS na tataglayin niya habambuhay. Sana wala.

Dr. Love

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with