^

Dr. Love

Ipinagpalit sa iba

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon kaming nagsama ng misis ko at ikinakasal kami sa isang kasalang bayan na ang nanguna ay mayor ng aming lungsod.

Masaya ang pagsasama namin bagamat hindi kami biniyayaan ng anak.

Napagbintangan akong kasama sa nang-holdpap sa isang pawnshop. Dahil mahirap, hindi ako nakapagpiyansa at madalas ay napo-postpone ang paglilitis na umabot din ng dalawang taon. Hanggang nadismis ang kaso dahil hindi na sumisipot ang nagdemanda.

Anim na buwan lang akong dinalaw ng misis ko at nang lumaya ako at balikan siya, may kinakasama na siyang iba. Masakit!

Minahal ko siya nang todo pero ipinagpalit niya ako. Puwede ko ba siyang idemanda?

Mading

 

Dear Mading,

Siguradong pwede mo siyang ihabla ng adultery pero masalimuot iyan at gagastos ka ng malaki. Maaari kang komunsulta sa public attorney upang malaman ang legal action na puwede mong gawin.

Puwede ring kalimutan mo na lang ang iyong asawa at magsimulang  muli. Magpa-salamat ka na lang at hindi kayo nagkaanak dahil kung magkagayo’y mas malaki ang problema mo.

Dr. Love

 

Baka ikaw naman ang magsisi sa bandang huli.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with