^

Dr. Love

Mahal na mahal pa rin

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Best friend ko si Neil simula nang kami ay grade 4 pa lamang.

Akala ng mga parents namin kami ang magkakatuluyan dahil very close hanggang high school.

Pero nang mag-college ay pinapag-aral ako sa Amerika ng parents ko. Nakatapos ako ng economics doon at makapag-asawa ng puti.

For all my 5 years stay in the US, two years lang kaming nag-uusap ni Neil sa social media. Akala ko nakalimot na siya.

Ngunit nang magbalikbayan ako kasama ang aking Amerikanong mister, naiyak siya mismo sa harap ng asawa ko at sinabing mahal na mahal niya ako.

Hindi ko rin napigilan lumuha, bagay na ikinagalit ng asawa ko.

Sabi niya, isa raw insulto at dagok sa kanya ang reaksyon ko dahil nakita niya na mahal ko pa rin si Neil.

Totoo naman na may damdamin pa rin ako sa aking dating kalaro. Ibig akong diborsyuhin ng asawa ko.

Ano ang gagawin ko?

Gilda

Dear Gilda,

Ikaw ang higit na nakakaalam sa damdamin mo at ikaw lang ang makapagdedesisyon kung papayag kang makipagdiborsyo.

Hindi ako pabor sa diborsyo pero hindi ko igigiit ang inaakala kong tama dahil nakataya diyan ang iyong kaligayahan.

Binigyan ka ng sa-riling talino ng Diyos upang magdesisyon ng tama at ayon sa kanyang kalooban.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with