^

Dr. Love

Kinse anyos, in love na

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Worried ako sa aking anak na fifteen years old. Last year pa lang siya dinatnan ng menstruation at seryoso nang umiibig sa isang lalaki na seven years ang agwat sa kanya.

May gusto siya sa lalaking nagbo-board sa amin.  Tawagin mo na lang siyang Borgie. Anak ko pa ang nanligaw sa kanya sa pagpapadala ng sulat.

Hindi ko nabasa ang sulat ng anak ko pero nabasa ko ang sagot ni Borgie na mayroon na siyang girlfriend. Sinabi niya na bata pa ang aking anak at hindi sila bagay. 

Labis na nagdamdam ang anak ko at pati pag-aaral niya ay napabayaan, bumaba ang grades niya. 

Pinangaralan ko siya pero lagi siyang nalulungkot pa rin. Ano po ang dapat kong gawin?

Nanay Tela

Dear Nanay Tela,

Kung ‘di makuha ang anak mo sa pangaral, kausapin mo si Borgie. 

Pakiusapan mong humanap ng ibang boarding house dahil habang nakikita siya ng anak mo ay hindi mawawala ang infatuation niya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with