^

Dr. Love

Gf ang gumagastos

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ayaw sa akin ng parents ng gf ko dahil ako ang ginagastusan niya. Nag-a-apply ako bilang seaman. Totoo naman na sa ngayon hindi ko matustusan ang sarili ko sa mga gastusin tulad ng medical at trainings na dapat kong matapos.

Kibit balikat lang ako kahit marami akong naririnig sa kanila. Mahal ako ng gf ko. Pasalamat nga ako dahil tinutulungan niya ako.

Gusto ko na sanang magpakasal kami. Secret marriage para panigurado ko lang sa gf ko na hindi ko siya tatakbuhan kapag nasa barko na ako.

Mahal na mahal ko ang gf ko. Hindi lang dahil sa marami na siyang naipundar sa akin, kundi dahil nariyan siya kahit na pinagbabawalan na siya ng kanyang mga kamag- anak.

Ayoko rin naman na magkahiwalay kami dahil lang sa pera. Wala akong pera sa ngayon pero titiyakin kong mapapalitan o hihigitan ko pa ang ginagawang kabutihan sa akin ng gf ko. Alam ko naman na dapat kong tumbasan o higitan pa ang pagmamahal niya sa akin.

Novem

 

Dear Novem,

Hindi mo masisisi ang mga magulang o ma-ging ang mga kamag-anak ng gf mo. Lalo na’t siya ang gumagastos para sa iyo.

Ang expectation lalo na sa ating kultura ay obligasyon ng lalaki ang mag-provide financially para sa kanyang itinataguyod o itataguyod na pamilya.

Syempre single pa ang gf mo kaya umaasa pa rin ang kapamilya niya sa kanya, bago pa niya tumulungan ang iba.

Huwag na huwag mong sasayangin ang tiwala at mga pangarap ng gf mo para sa iyo. Tama lang na ikaw naman ang magkusang gumawa ng mabuti para sa kanya.

Ipagdasal ninyo na makaraos kayo ng matiwasay. Makasakay ka na sa barko at unti-unti mong matumbasan ang malasakit sa iyo ng gf mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with