^

Dr. Love

Magkasalungat ang paniniwala

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Nasa high school palang, kami na ni Ken. Nang magtapos kami ay nagkaroon siya ng scholarship sa isang kilalang state university.

Matalino kasi siya at kumukuha ng abogasya. Pero isang bagay ang napansin ko sa kanya. Naging kontra siya sa mga polisiya ng pamahalaan at nakikisama siya sa mga grupo ng militante.

Kumukuha po ako ng elementary education at naging magkasalungat ang aming paniniwala. Ayaw ko ng komunismo at siya naman ay sang-ayon dito. Madalas naming pagtalunan ito pero kumbinsido siya sa prinsipyong ipinaglalaban niya. Sa sarili kong opinyon maganda ang layu-ning magpatupad ng pagbabago, pero hindi ito dapat gawin sa marahas na paraan. Nung isang araw ay nagkainitan ang aming diskusyon at nakipag-break siya sa akin. Kahit ganoon ang prinsipyo niya, mahal ko siya at masakit ang ginawa niyang pakikipag-break sa akin.

Ano ang gagawin ko?

Meg

Dear Meg,

Kung mahal mo siya, handa mo bang isakripisyo ang sarili mong paniniwala at yakapin siya kasama na ang kanyang pagi-ging makakaliwa? Ikaw lang ang makakapagpasya niyan at walang makakahadlang sa iyong desisyon.

Pero kung magkakatuluyan kayo at patuloy ang pagtataponan ng kani-kanya ninyong prinsipyo, tila mas mabuting maghiwalay na kayo ng landas.

Pareho tayo ng pinaniniwalaan. Kapwa tayo tutol sa paggamit ng dahas tulad ng ginagawa ng mga komunistang grupo.

Mag-isip kang mabuti at timbangin mo ang situwasyon. Sa pangmatagalan, palagay mo ba ay magiging maligaya ka sa piling niya? Kung hindi, huwag mo na siyang habulin.

Dr. Love

KEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with