^

Dr. Love

Na love at first sight

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Pido. Nagbakasyon kami sa Bongliw Polillo. Biruan nga namin na marami raw na mapuputing dalaga dun. Takot akong sumama dahil medyo malayo at isla ang pupuntahan namin.  Pero dahil sa mga kwento ng kasama namin na taga dun ay naengganyo na ako. Masarap din daw ang pagkain dun, sariwang isda at mga seafoods. 

Totoo naman lahat ng sinabi niya kaya talagang nag-enjoy ako. Sa pantalan pa lang ay may sumalubong sa amin na magandang dalaga. Eh, na love at first sight agad ako. Pinsan daw ng kasamahan ko sa trabaho ‘yun.

Lalo akong ginanahan sa mga ngiti niya at malambing na boses. Sinabihan ako ng kasamahan ko na kung type ko raw ang pinsan niya eh huwag ko raw lolokohin. Hindi naman ako agad nakasagot. Sa beach ako unang nagparamdam sa kanya.

Alam ko nagustuhan din niya ako. Tawa siya ng tawa sa akin. Grabe sa isang linggo naming magkasama, halatang halata na kami ng aking mga katrabaho. ‘Yun lang, parang isang linggong pag-ibig ang nangyari sa amin. Hindi ko kasi alam kung makakabalik pa ako dun. Wala rin kasing wifi.

Pido

Dear Pido,

Sarap talaga dyan sa Polillo. Nakapunta na rin ako dyan. Sobrang layo ng nabuo ninyong pag-ibig. Nai-imagine ko ang kasiyahan sa puso mo. Lalo na sa babaeng nakilala mo. ‘Yun lang, talagang malayo at mahal ang pamasahe papunta dun at walang wifi. Malay mo sa susunod na punta mo run may wifi na. Tiyaga ka lang at kung talagang kayo ang itinadhana may pagkakataon na magkita kayong muli. 

Goodluck sa iyo. Aabangan ko ang sulat mo kung paano kayo magkikitang muli. Sige, basta enjoy life at tiyak na marami ka pang mararanasan  na magagandang tagpo sa buhay mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with