^

Dr. Love

Hindi makapag-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ako makapag-asawa dahil kailangan kong tulungan ang parents ko. Nakadalawang boyfriend na ako. Pareho silang nagmamadali na magpakasal.

‘Yung una, talagang pinagbawalan ng parents ko, dahil kailangan kong pag-aralin ang mga kapatid ko.

Ang pangalawa, hindi rin nakatiis at iniwan ako. Nasa tamang edad na ako pero hindi ako makalaya dahil sa obligasyon ko sa kanila.

Papayagan lang daw nila akong mag-asawa kung tutulungan ko silang bayaran ang 80k na inutang ng nanay ko. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na ang mahal ng kalayaan ko sa pag-ibig.

Nawawalan tuloy ako ng pag-asa na makapag-asawa, baka hindi na.

Yannie

Dear Yannie,

Ang pagtulong sa magulang ay napakadakilang bagay. Nakakalungkot lang isipin na may mga magulang na tila ipinapasa ang obligasyon sa anak bilang kapalit ng kondisyong makapag-asawa. Huwag kang susuko at manalig ka na hindi ka pababayaan ng Maykapal.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with