^

Dr. Love

Pagmamahal ang iparamdam

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago n’yo na lamang po ako sa pangalang Mirah. Sinabihan ko na ang anak kong babae na hindi basta-basta ang pakikipagrelasyon. Ayoko kasing matulad siya sa akin. Hindi ako nakapagtapos ng high school dahil maaga akong nabuntis. Sinikap kong palakihin siya sa sarili kong kayod. Nag-work ako as lady guard sa isang company.

Hindi naman ako ganun kahirap pero masakit sa akin ang iwanan ako ng bf ko noon nang ipinagbubuntis ko ang aming magiging anak. Tiniis ko ang lahat ng sama ng loob. At nagsawalang kibo na lamang ako sa aking mga kamag-anak.

Hindi nila matanggap ang nangyari sa akin. Lalo na ang aking ama. Halos isumpa niya ako sa mali kong nagawa. Parang sumpa nga yata sa akin ngayon ang nangyayari. Ako naman ang pumipigil sa anak ko na itigil ang pakikipagligawan at mag-focus muna sa pag-aaral.

Nakikita ko kasi na lagi siyang nakikipag-usap sa klasmeyt niyang lalaki na kaibigan lang naman daw niya.

Ayoko rin namang maging tulad ng aking ama na kung magbawal ay wagas. Pero ganun pa man ay nakakalusot ako.

Ga-graduate pa lang ang anak ko sa senior high kaya nag-aalala ako na baka matulad siya sa akin.

Mirah

Dear Mirah,

Tama naman na paalalahanan mo ang iyong anak na mag-ingat at huwag magpadala sa bugso ng damdamin tungkol sa pakikipagrelasyon. Tama rin na maging malinaw sa kanya na ang lahat ay pwedeng maiakma sa tamang panahon.

Tukukan mo siya sa kanyang pag-aaral. Hangga’t maaari ay kilala mo ang kanyang mga kaibigan.

Hindi na uubra nga-yon ang pasigaw-sigaw at mananakot. Ang tamang pakikiitungo sa anak at paalala sa kaniya ay napakahalaga.

Minsan ang takot natin ang nangunguna kaysa ang tamang pakikitungo sa ating mga anak. Kung nararamdaman ng anak ang pagmamahal ng kanilang magulang, tiyak naman na makikinig sila sa mga payo natin.

DR. LOVE

vuukle comment

MIRAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with