^

PSN Opinyon

Kanya-kanyang hukayan sa WPS

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang China ang nambabalahura sa West Phl Sea na bahagi ng ating Exclusive Economic Zone (EEC) kundi pati Vietnam.

Nakatutok daw ang Philippine Navy sa ginagawang digging operations ng naturang bansa sa karagatang bahagi ng Kalayaan Group of Island na sakop ng Pilipinas. Isa pa rin ang Vietnam sa mga bansang may paghahabol sa karagatan.

Paano kung ang Malaysia at Brunei na naghahabol din ay gumawa rin ng sari-sariling operasyon sa karagatan, ano ang mangyayari? Paano kung maisipan nilang lahat na kunin ang nakaimbak na yamang mineral sa nabanggit na karagatan na kinakamkam nang buong-buo ng China?

Siguro mas malaking kaguluhan. Baka maglabanlaban na ang lahat ng bansang naghahabol. Palibhasa’y sagana sa mineral resources ang karagatan na lubhang kailangan ngayon ng bawat bansa.

Uubra pa ba ang solusyon diplomatiko? Puwede naman­ marahil kung ngayon pa lang ay magpulong at magka­sundo ang mga claimant countries. Isang paraan lang ang nakikita ko’ng solusyon.

Ito ang joint exploration. Puwede namang mapagka­sunduan ito nang hindi isinusuko ang claim ng mga nabanggit na bansa. Puwedeng Ito’y pansamantala pero pang­matagalan solusyon para matamo ang kapayapaan sa reli­hiyon habang ‘di pa nareresolba ang bawat paghahabol.

Mahalagang magkaroon ng kapayapaan kahit pansamantala man lang. Ang problema ay kung papayag ba ang higit na mayaman at agresibong China sa ganitong areglo?

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with