^

Bansa

PAF tuloy sa pagpapatrol vs ‘arrest order’ ng China sa West Philippine Sea

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PAF tuloy sa pagpapatrol vs �arrest order� ng China sa West Philippine Sea
This photo taken on Feb. 16, 2024 shows Filipino fishermen aboard their wooden boats (middle L and 2nd L) and Philippine Fisheries and Aquatic Resources personnel aboard their rigid hull inflatable boat (foreground C) sailing past a Chinese coast guard ship (top) near the China-controlled Scarborough Shoal, in disputed waters of the South China Sea.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na tuloy ang kanilang pagpapatrolya sa West Philipine Sea (WPS) sa kabila ng pagpapairal ng China ng ‘arrest policy’ laban sa sinumang dayuhan na papasok sa South China Sea.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB kay PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, sinabi nito na walang makapipigil sa kanilang ginagawang monitoring dahil bahagi ito ng kanilang tungkuling at trabaho.

Aniya, babantayan nila ang territorial water ng Pilipinas at mga exclusive economic zone (EEZ).

“Patuloy lang talaga ang ating maritime patrol to ensure na namo-monitor natin lahat ng activities both in the air and on the sea, dito sa ating exclusive economic zone, pati na rin sa ating territorial waters,” ani Castillo.

Sabado nang simulang ipatupad ng China ang patakaran na aarestuhin at ikukulong ang mga “foreign trespassers” sa South China Sea sa loob ng 60 ng walang paglilitis.

Maging ang Philippine Coast  Guard (PCG) ay patuloy sa pagpapatrolya at hinihikayat ang mga mangingisda na ituloy lamang ang kanilang pangingisda sa lugar.

Dagdag pa ni Castillo, ang kanilang pagpapatrol ay para rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling.

Sa katunayan, kailangan pa ng PAF ng karagdagang air assets para sa pagpapaigting ng kanilang monitoring sa WPS at sa ibang panig ng bansa.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with