^

Bansa

Duterte, De Lima inimbita ng House sa war on drugs probe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte, De Lima inimbita ng House sa war on drugs probe
Ayon kay House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., napagdesisyunan ng komite na ipatawag sina dating Pangulong Duterte at Senador Bato sa kanilang susunod na pagdinig ngayong araw (Hunyo 26).
AFP / Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Namumuro ang face off sa pagitan nina da­ting Pangulong Rodrigo Duterte at dating Justice Secretary Leila de Lima na ipatatawag kasama ni Sen. Ronald “Bato” de la Rosa sa susunod na pagdinig kaugnay ng Extrajudicial Killings (EJK) sa madugong giyera kontra droga sa panahon ng nakalipas na administrasyon.

Ayon kay House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., napagdesisyunan ng komite na ipatawag sina dating Pangulong Duterte at Senador Bato sa kanilang susunod na pagdinig ngayong araw (Hunyo 26).

Samantalang inihirit naman ni Gabriela Party­list Rep. Arlene Brosas na makabubuting isama na rin sa ipatatawag ng panel si De Lima upang mabigyang linaw ang mga kaso ng EJK.

Ayon kay Abante, na mahalagang marinig mismo nina Duterte at Dela Rosa ang testimonya ng pamilya ng mga nasawing biktima kabilang ang mga patuloy na naghahanap ng hustisya sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Si Dela Rosa ang PNP Chief sa kasagsagan ng war on drugs.

Sinegundahan naman ni Brosas ang mosyon para imbitahan sina Duterte at Dela Rosa na sinang-ayunan din ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at panghuli ay inihirit na isama na rin sa mga ipatatawag ng panel si De Lima.

vuukle comment

DRUGS

WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with