Senator Poe inendorso si Bam

MANILA, Philippines — Inindorso ni Sen. Grace Poe ang kandidatura ni dating senador Bam Aquino para sa Senado sa darating na halalan sa Mayo, sa ginanap na grand rally ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa San Carlos City, Pangasinan.
Ayon kay Poe, kailangang mailuklok sa Senado ang mga masisipag at magtatrabahong kandidato gaya ni Aquino, na napatunayan na ang husay sa kanyang track record bilang senador. Nagpasalamat din si Poe kay Aquino sa pagsulong nito sa batas sa libreng kolehiyo at sa kanyang tulong para maisabatas ang pangako ng senadora noong kampanya na bibigyan ng libreng pananghalian ang mga malnourished na estudyante sa public elementary schools.
Ayon kay Poe, ang batas sa libreng pananghalian na kanilang pinagtulungang isulong ni Aquino ay isa sa mga pangarap ng kanyang namayapang ama na si Action King Fernando Poe Jr. nang tumakbo itong Pangulo noong 2004.
Kapag muling mahalal na Senador, balak din ni Aquino na palawakin pa ang libreng kolehiyo at tiyaking nakikinabang ang mga estudyante sa libreng pabaon na nakapaloob sa batas.
Isusulong din ni Aquino ang siguradong trabaho para sa mga Pilipino, kabilang ang mga out-of-school youth.
- Latest