Angkas CEO sinakripisyo sariling driver’s license sa LTO
MANILA, Philippines — Nirerespeto at tatanggapin ni Angkasangga PL at motorcycle ride-hailing Firm Angkas CEO Goerge Royeca ang desisyon ng Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang kanyang drivers license dahil sa naganap na traffic incident sa Cainta Rizal noong February 2.
“I am taking full responsibility for what happened. It’s better that it’s my license that would be suspended so that our riders who committed the infraction could still continue their job for them to earn a living for their respective families,” sabi ni Royeca nang boluntaryong isuko ang kanyang lisensiya sa LTO.
Kahapon sinuspinde ng 90 days ng LTO ang drivers license ni Royeca nang ang inorganisang motorcade ng Angkas noong February 2 ay nagdulot ng matinding traffic sa nabanggit na lugar.
Umani naman ng papuri ang naging aksyong ito ni Royeca nang isuko ang kanyang lisensiya partikular mula sa mga miyembro ng Angkas riders laluna mula sa mga nabiktima ng trapiko dahil sa pagtanggap sa responsibilidad kaugnay nang insidente.
- Latest