^

Dr. Love

Bumigay sa tukso

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Dave. Company swimming namin kaya happy ang lahat. Excited sa mga activities, sa games, sa videoke at sa inuman. Talaga naman team building ang nangyari sa amin. Pero nang gabi na nagkainuman na ang magkaka-team. 

Kasama pa rin ang truth and consequence, hindi ko alam na may crush na pala ang ka-teammate ko sa akin.  Siya si May na taga ibang department kaya walang chance na ma-encounter namin ang isa’t isa. 

May asawa na ako at sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papatol sa pang-aakit niya sa akin. Ang naoobserbahan ko, may gusto sa kanya ang tropa ko. Kaya siya ang diga nang diga. 

Si May naman ay lumalayo sa kanya at ako naman ang laging pinupuntahan. Hindi ko namamalayan na nalalasing na pala ako. Masarap kausap si May hindi siya naiilang sa akin.

Kaso napapansin ko na lagi niya akong ina-akit. Sa mga galaw niya at grabe, nagpalagay pa siya ng lotion sa likod niya. 

Paayaw- ayaw pa ako pero gusto ko na rin. Ang matindi sa harapan ko pa siya naghuhubad ng t-shirt niya kapag lalangoy na siya. 

Maganda si May kaya naiilang ako pero nang may amats na ako, bumigay na ako sa kanya. Hindi na kami naghiwalay inom, ligo, babad at sisid. 

Nang malasing na si May ay inaya ako sa madilim na lugar na kami lang, hindi ko alam kung may nakakita sa‘min at may nag-video. 

Kundi lagot ako sa misis ko. 

Hindi naman kami nagsiping dahil napigilan ko ang aking sarili nang tawagin na kami ng mga ka-teammate namin. 

Hanggang sa nakaw na halik lang ako at yakap. 

Alam ko na hindi naman magrereklamo si May sa akin. Kaso may kasalanan ako sa misis ko. At hindi ko lang alam kung ano pa ang isusunod na pain sa akin ni May.

Dave

Dear Dave,

Ang bawat desisyon ay may consequences na dapat harapin.

Sa sinabi mo na hindi ka papatol sa pang-aakit ng kaopisina mo, alam mo na may nangyayaring panunukso.

Ang kaso, sa halip na lumayo ka ay nagpatangay ka pa.

Kung ako sa’yo habang maaga pa ay putulin mo ang ugnayan mo kay May. Dahil ang malaking apoy ay nagsisimula sa mumunting baga.

Walang kamalay-malay ang misis mo na niloloko mo siya. Pero tandaan mo lahat ng lihim, nabubun-yag.

Sana makapagdesisyon ka ng tama habang may pagkakataon ka pa. 

Dahil natitiyak ko na kung ang misis mo ang paulit-ulit na makikipaghalikan at makikipagyakapan sa ibang lalaki ay hindi mo magugustuhan. Kaya huwag mong gawin sa kanya.  Lumayo ka sa tukso.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with