^

Dr. Love

Hinagpis ni Bobita

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

“Bobita” ang tawag ng mga friends ko sa akin noong high school dahil hindi ako smart. Lagi akong may back subject kaya hindi na ako nag-college.

Pero super ganda naman ako at sexy kaya marami akong manliligaw. Ang napangasawa ko ay abogado at topnotcher sa bar. Sabi niya, cute raw ako sa pagiging hindi smart.

Pero sa limang taong pagsasama namin, napansin ko na tila ikinahihiya niya ako sa mga friends niya. Ni hindi ako ipinakikilala.

Sa kaunting mali ko, tinatawag akong bobo. Nung una ay okay lang pero nga-yon ay nakakasakit na siya ng damdamin ko.

Minsan sinabihan ko siyang maghiwalay na kami pero ayaw niya.

Ano gagawin ko?

Bobita

Dear Bobita,

Verbal abuse ang ginagawa niya sa iyo. Una sa lahat, noong nililigawan ka niya ay batid niyang hindi ka marunong.

Sinabi pa niyang nakyukyutan siya sa pagiging bobita mo.

Porke ba’t abogado siya at bar topnotcher ay may right siya na sabihan kang bobo?

Ang verbal abuse ay isang ground para sa marital annulment. Nasa sa’yo kung gusto mong ipawalang bisa ang kasal ninyo.

Magtanong ka sa abogado tungkol dito.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

SMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with