Food facts
• Bago sumabak sa isang stressful events, kumain ng dark chocolate upang mabawasan ang anxiety.
• Para mapanatiling normal ang blood sugar level, dagdagan ng isang kurot na cinnamon powder ang iyong kape or tsaa.
• Ang pakwan ay isang natural Viagra. Taglay nito ang citrulline na nagrerelaks ng blood vessel kaya malayang nakakadaloy ang dugo sa kanyang sex organ.
• Ang pomegranate juice ay mas maraming antioxidants kaysa green tea kaya mas mainam itong anti-aging drink.
• Ang carrot juice ay nakakatulong upang ang kutis ay magkaroon ng natural glow dahil taglay nitong high beta carotene.
• Kumain ng isang dakot na roasted pumpkin seeds upang maging masigla ang mood. Mayaman ito sa tryptophan na nagiging serotonin, isang happy hormone.
• Uminom ng chamomile tea matapos maghapunan upang maging mahimbing ang tulog.
• Ginger tea ang inumin kung may pakiramdam na masusuka.
• Haluan ng honey at lemon ang maligamgam na tubig para guminhawa ang nangangating lalamunan.
• Mainam na kumain lagi ng fresh pineapple ang mga babae kung gusto mong maging fresh ang amoy ng iyong sex organ.
• Prutas may high sugar: ubas, cherries, saging, mangga, lychees, persimmon. Ang may low sugar ay avocado, strawberries, blackberries, lemon, lime, bayabas at pakwan.
- Latest