^

Punto Mo

‘Bangka’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAKANG-TAKA ako sapagkat hindi ko na makita ang matanda. Napakabilis namang maglakad! Baka naman hindi ko nakita na may sumundo sa kanya at naging mabilis ang paglalakad.

Nang umuwi ako ay kinumusta ni Tatay kung ano ang nang­yari sa maghapon kong pamamangka.

“Okey naman Tatay. Nakakapagod lang magsagwan. Ang sakit ng katawan ko.’’

“Ganyan talaga sa simula. Kapag nasanay ka, balewala na yan.’’

“Siguro nga po.’’

“Hayaan mo at kapag gumaling na ako e mapapahinga ka rin at ang pagpasok mo sa kolehiyo ang aatupagin mo. Gaga­ling na ako sa nararamdaman ko.’’

“Magpahinga ka nang todo Tatay. Kahit naman sa second sem ako mag-enroll.’’

“Hindi. Kailangang makapasok ka ngayong unang semester. Gagaling na ako.’’

“Sige po.’’

“Siyanga pala, sinunod mo ba ang utos ko na kung walang pambayad ang sasakay sa bangka, huwag mo nang pipilitin?’’

“Opo, Tatay. Mayroon ngang sumakay sa aking matandang babae kanina na hindi ko na pinagbayad. Kawawa naman.’’

“Anong pangalan?”

“Hindi ko kilala. Nakabaro at saya siya na kulay itim.’’

Napamulagat si Tatay sa sinabi ko. (Itutuloy)

BOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with