^

Punto Mo

Pumirma ng quitclaim pero di pa binabayaran ng company

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Pinag-resign po ako ng company ko. Pumayag na rin ako kasi may makukuha naman daw kami basta pumirma kami ng quitclaim. Ang kaso po ay tatlong buwan na mula noong ako ay pumirma ng quitclaim pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nababayaran. Puwede ko pa bang habulin ang kompanya kahit may hawak silang quitclaim na pirmado ko? — Karen

Dear Karen,

Maari mo pa ring habulin ang dati mong kompanya. Hindi naman basta-basta kinikilala ang mga quitclaim lalo na kung ito ay pinirmahan sa pagitan ng mga partido na hindi pantay ang katayuan, katulad sa sitwasyon ng isang kompanya at ng empleyado nito.

Masasabi rin lamang na valid o may bisa ang isang quitclaim kung ito ay (1) boluntaryong ginawa o pinirmahan ng empleyado; (2) wala itong bahid ng panlilinlang o panloloko mula sa anumang panig, mapa-employer man o empleyado; (3) ang konsiderasyon o ang kapalit para  sa pagpirma ng quitclaim ay sapat at makatwiran; at (4) hindi ito labag sa batas, sa pampublikong kaayusan, sa moralidad, o sa karapatan ng ibang tao [Goodrich Manufacturing Corp. v. Ativo, 625 Phil. 102, 107 (2010)].

Kaya kung wala ka namang natanggap kapalit ng pagpirma mo sa quitclaim ay hindi magiging hadlang ang quitclaim sa paghahabol mo sa kompanya, dahil nga para magkaroon ng bisa ang isang quitclaim, sapat dapat at makatwiran ang naging kapalit  para sa pagpirma nito.

Sa iyong sitwasyon, wala ka pang natatanggap na konsiderasyon para sa iyong pagpirma kaya masasabing walang bisa ang quitclaim. Hindi ito  magagamit na depensa ng kompanya para itanggi ang kaukulang halaga na dapat ay natanggap mo.

DEAR ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with