^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagkolekta sa ­excise tax ng petrolyo, itigil muna

Pang-masa
EDITORYAL - Pagkolekta sa ­excise tax ng petrolyo, itigil muna

NOONG Martes, nagtaas na naman ng presyo ang petroleum products. Ito na ang ikaapat na linggong sunud-sunod na oil price hike. Nagtaas ng P1.45 ang diesel, samantalang 50 sentimos sa gasoline at 75 sentimos sa kerosene. Mula Enero ang diesel at gasoline ay nagtaas na ng P12.55 at ang kerosene ay P9.85 bawat litro.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagtaas ng petroleum products ay dahil umano sa paglakas ng U.S. dollar at pagbaba naman ng U.S. crude stocks. Isinisisi rin ang pagtaas sa patuloy na giyera ng Ukraine at Russia at kaguluhan sa pagitan ng Israel, Palestine at Lebanon. Ayon sa report, posibleng magtuluy-tuloy pa ang pagtaas ng produktong petrolyo sa susunod na taon.

Kapag nagpatuloy ang oil price hike, kawawa ang mamamayan na kakarampot ang kinikita. Tataas ang presyo ng bigas, gulay, prutas, manok at baboy na iniluluwas sa Metro Manila dahil gumagamit ng gasolina at diesel.

Tiyak na tataas din ang sardinas, noodles, asukal, mantika at iba pa. Kapag tumaas ang petrolyo, ha­hatakin pataas ang presyo ng mga produkto. Babawiin sa presyo ng produkto ang itinaas sa gasolina at diesel.

Ang pinakamasakit, kapag humingi ng increase ng pasahe ang transport groups. Dahil sa pagtaas ng petrolyo, wala nang kinikita ang mga drayber. Kakarampot ang inuuwi sa pamilya at kulang pa dahil sa pagtaas ng mga bilihin.

Noong nakaraang taon, nagbigay ng fuel subsidies ang pamahalaan sa PUV drivers. Binigyan ng tig-P6,500 ang mga driver ng tradisyunal na jeepney, public utility buses, mini buses, taxi, shuttle services taxis, transport network vehicle services, tourist transport services, school transport services at Filcabs. Ang drivers ng delivery services ay tumanggap ng P1,200 at ang tricycle dri­vers ay P1,000.

Sa kasalukuyan, walang na magbigay ng fuel subsidies. Walang naririnig na solusyon para mapagaan ang pasanin na idinulot ng pagtataas ng petroleum products.

Nararapat na suspendihin ng pamahalaan ang excise tax sa petrolyo para bumaba ang presyo. Nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (Republic Act 10963) o TRAIN Law na maaaring suspendihin ang tax sa petroleum products kapag sumobra na ang presyo ng crude oil bawat bariles. Pagaanin naman ng gobyerno ang dinadalang pasanin ng mamamayan lalo na ngayong papasok na taon.

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with