^

Punto Mo

Guro

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang monk sa monasteryo na kilalang magaling na guro sa kanyang mga estudyante. Sinasabing napakaepektibo niyang guro dahil ang mga nakalipas niyang naging ­estudyante ay lumaking mahuhusay ding guro na naipadala sa mga ­monasteryo sa ibang bansa.

Minsan, isang estudyante niya ang nahuli ng mga kaklase na nagnakaw sa kapwa niya estudyante. Isinumbong nila ito sa kanilang guro ngunit pagkatapos pangaralan ang magnanakaw ay hindi man lang ito pinarusahan.

Naulit ang pagnanakaw ng estudyante. Muling nagsumbong ang mga kaeskuwela nito sa guro na nagkataong pinuno rin ng school ngunit pinangaralan lang ang magnanakaw at hindi pinarusahan.

Hindi nakatiis ang mga estudyante at sila ay nagpetisyon na patalsikin na sa monasteryo ang kanilang kaeskuwela na malikot ang kamay. Kung hindi ito patatalsikin, silang lahat ay lalayas sa monasteryo at lilipat na lang sa ibang monasteryo o pangkaraniwang school.

Nagpatawag ng miting ang guro. Ito ang sinabi niya sa harapan ng mga estudyanteng nagpetisyon kasama ang batang inaakusahan nilang magnanakaw:

“Hindi ko maaaring patalsikin ang kaklase ninyo dahil wala nang tatanggap sa kanyang monasteryo o school dahil kumalat na ang masama niyang reputasyon. Kung wala nang tatanggap sa kanya, ano na ang mangyayari sa kanyang kinabukasan? Kung pagtitiyagaan ko siyang turuan dito sa monasteryo, malaki pa ang pag-asa niyang magbago at lumaking mabuting tao.

“Kung kayo ang aalis sa monasteryong ito, maraming school ang tatanggap sa inyo dahil kayo ay mababait at matatalinong mga estudyante. Kaya pasensiya na, mas pipiliin kong manatili dito sa monasteryo ang kaklaseng sabi ninyo ay magnanakaw kahit pa ang kapalit nito ay pag-alis ninyong lahat dito sa monasteryo.”

Sa puntong ito, napahagulgol ang estudyanteng inakusahang magnanakaw. Nagsisi siya at humingi ng tawad sa mga kaklase. Hindi natuloy ang paglayas ng mga estudyante. Samantala, ang bata ay nagbago at lumaking  ulirang monk at matalinong guro.

“Teaching is more than imparting knowledge, it is inspiring change.”— William Ward

TEACHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with