Pasimplehin ang buhay
1. Para mabilis ang pagdedesisyong ibenta, ipamigay o itapon ang gamit na nakatambak lang, tanungin mo ang iyong sarili—interesado pa ba akong gamitin ito ngayong oras na ito?
2. Kung ang laging sasabihin mo sa iyong sarili ay: “Magagamit ko pa ito”, malaki ang tsansang magpatung-patong ang kalat sa bahay mo.
3. Kung naniwala ka kay Santa Claus sa mahabang panahon, halimbawa, 8 years, mabilis mong magagawa na papaniwalain ang iyong sarili na magaling ka.
4. Kung nasa mall ka at nakaramdam ng pag-ebs, piliin ang comfort room na malayo sa food court pero malapit sa high-end stores. Palibhasa ay kakaunti ang pumapasok, madalas na malinis ito at malakas mag-flush ang toilet. Nakakahiyang “magsabog ng lagim” sa comfort room na mahaba ang pila. Maraming makakabisto na ume-ebs ka.
5. Ang isa pang “best CR” para magpakawala ng “sama ng loob” ay ‘yung may entrance fee na P10/20. Kakaunti ang pumapasok dito for obvious reason.
6. Maliit na coin purse ang gamitin kapag nakasakay sa jeep o magsa-shopping sa lugar na maraming snatcher. Hindi makakaagaw ng pansin ang maliit na coin purse.
7. Maglagay ng ekstrang pera sa secret pocket ng pantalon para kapag na-snatch ang iyong bag, may pera ka pa rin na pamasahe pauwi sa inyong bahay.
8. Mabilisang pagtatago ng white hair: Paitimin ito gamit ang mascara.
9. Uminom ng tubig pagkatapos uminom ng cola, tsaa at kape upang maiwasan ang paninilaw ng ngipin.
10. Kapag nagdya-jack en poy, mag-start sa papel. Kadalasan ay bato ang iniisip ng mga tao dahil mas madaling itikom ang kamay kaysa ibuka.
- Latest