^

Metro

3 senior na estapador, binitbit sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong senior citizens ang binitbit ng mga awtoridad sa isang entrapment operation bunsod ng reklamong  estafa sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Officer-In-Charge, PCol. Randy Glenn Silvio, ang mga suspek na sina Evangeline, 65; Loida, 70, at Escolastico Dantes, 72.

Sa report ni PLt. Col. Aljun Belista, hepe ng Novaliches Police Station 4, dakong 12:30 ng tanghali nitong Miyerkules (Abril 23), nang madakip ang mga senior  sa loob mismo ng isang fast food chain sa Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches, ­Quezon City.

Ayon sa ulat, isang barangay volunteer worker ang nabiktima ng mga suspek matapos isanla sa kaniya sa halagang P250,000.00 ang titulo ng lupa sa pamamagitan ng isang “mortgage” scheme.

Ngunit nang malapit nang mabayaran ng biktima ang buong halaga, sinabi ng mga suspek na ibenta na lamang dito ang bahagi ng lupa na naging dahilan upang magsagawa siya ng beripikasyon sa Land Registry Authority (LRA).  Nagulat ang biktima ng malaman na kumpiskado na pala ng LRA ang naturang lupain.

Sa kabila nito, patuloy pa ring hinikayat ng mga suspek ang biktima na magbigay ng karagdagang halagang P200,000. 

Dahil dito, nagreklamo ang biktima sa pulisya na agad nagkasa ng entrapment operation at nadakip ang tatlong matanda.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang boodle money at isang  brown envelope na pinaglagyan ng marked money.

Samantala, tinutugis na rin ng mga awtoridad ang isa pang suspek na si alyas Lucena residente rin ng Brgy. Bagbag, na umanoy sangkot din sa panloloko.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Article 316 ng Revised Penal Code o Swindling sa Quezon City Prosecutor’s Office.  

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with