Flocerfida (6)
“SI Makoy po Marcos ang tunay na pangalan. Hindi ko na matandaan ang apelyido ni Mako,’’ sabi ni Kikoy kay Tatay Victor.
“Sa palagay mo, nasa Saudi pa si Makoy?”
“Hindi po ako sure Tatay Victor.”
“Bukod kay Makoy, meron ka pang ibang kilala na laging kausap o kasa-kasama kaya ni Dong?”
“Si Makoy lang po ang madalas kong makita na kausap at kasama ni Dong.”
Nalungkot si Tatay Victor sa sinabi ni Kikoy. Para bang nawalan ng pag-asa.
“Pero ita-try ko pong tumawag sa dati kong kompanya. man ang telepono at address ng kompanya.”
Biglang nagliwanag ang mukha ni Tatay Victor.
“Salamat, Kikoy. Gaya ng sinabi ko kanina, mayroon akong duda sa pagkamatay ni Dong pero hindi na ako naghahangad pa na malaman iyon. Basta ang sa akin e duda ako at bihirang magkamali ang pagdududa ko.”
“Opo Tatay Victor. Naiintindihan ko po ang ibig mong sabihin.”
“Kasi paano pa ako maghahabol e matagal nang nakalibing si Dong. Kung may foul play, mahirap nang malaman. Dapat kasi, pina-autopsy ko ang bangkay niya nang dumating ano?”
Tumango si Kikoy.
“Palibhasa ay gulung-gulo ang isipan ko nun kaya hindi ko naisip.”
“Oo nga po. Pero may kaso po na ipinahuhukay ang bangkay para maipa-autopsy. May nabasa akong ganung pangyayari.”
“Oo meron. Pero para sa akin, ayaw ko nang gambalain pa ang pananahimik ni Dong.”
Napatango si Kikoy.
“Ita-try ko pong may makausap sa dati kong kompanya at kapag may nalaman ako, ipaaalam ko sa’yo, Tatay Victor.”
“Salamat Kikoy.”
Nagpaalam na si Kikoy.
“Aalis na po ako. Maraming salamat uli Tatay Victor.”
“Sige Kikoy mag-ingat ka. Sana magkita uli tayo.”
“Opo—magkikita pa tayo.”
Kinamayan ni Kikoy si Tatay Victor.
Pagkatapos ay umalis na siya. (Itutuloy)
- Latest