^

Metro

‘Kumatay’ sa dermatologist, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga ­operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 25-anyos na binata na sinasabing humoldap at pumatay sa isang dermatologist sa loob ng kotse nito sa lungsod noong Sabado ng gabi.

Positibo namang kinilala ng driver ng biktima na si Raymund Superio Escandor ang suspek na si alyas Jay, residente ng Nicdao St., Repar, Brgy. 177, Camarin, Caloocan City na siyang sumaksak at pumatay sa dermatologist na si “Leo”, 68, ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Napag-alaman na agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad at nadakip ang suspek habang naglalakad sa Neopolitan Business Park sa lungsod matapos na makilala sa dashcam ng sasakyan.

Nakitaan pa ng mga gasgas sa kanang kamay, pisngi, at magkabilang tuhod ang suspek na pinaniniwalaang dahilan ng panlalaban ng biktima.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Minda­nao Ave., Ext. nitong nitong Sabado na nakalugmok sa driver’s seat ng kanyang sasakyan sa nabanggit na lugar. Sasampahan ng kasong Robbery with Homicide ang suspek.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with