^

Punto Mo

Mga bata ni Domagoso, walang malasakit sa Manileño!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SOBRA-SOBRA na ang kasikatan ng idol ko na si Manila Mayor Francisco Domagoso. Bawat katagang mamutawi sa bunganga ni Domagoso ay laman ng diyaryo, TV at radyo kinabukasan. Sa sobrang ganda ng mga plano niya sa Maynila, aba kahit ibang lugar ay nanawagan na bigyan sila ng mayor na tulad ni Domagoso. Kung sabagay, kapag natupad ni Domagoso ang lahat ng plano niya sa Maynila, tiyak wala nang mangangahas na pulitiko na tumakbo laban sa kanya sa 2022 elections. Araguuyyy! Maging si kosang Jess Matubis ay bumilib kay Domagoso dahil sa loob ng ilang araw nitong panunungkulan ay wala pa s’yang nakitang mali sa ginagawa nito. Kung sabagay, puro plano pa lang itong lumabas sa bunganga ni Domagoso at nananalangin ang mga kapwa ko Manileño na ‘wag magkasakit ng alzheimer itong mayor namin. Araguuyyy! Kaya lang, ang lahat na ito na naipundar ni Domagoso ay maaring mapunta sa wala kapag hindi niya binuwag ang umuusbong na Task Force Malasakit na hindi sinusuportahan ang mga programa niya para sa Maynila at imbes pitsa ang lakad. Hak hak hak! Ginigiba ng Task Force ang pangalan ni Domagoso kaya dapat buwagin niya kaagad ito at bago bumaho siya sa publiko.

Sinabi ng mga kosa ko na puro retired na pulis ng Manila Police District (MPD) ang mga miyembro ng Task Force Malasakit na nag-security kay Domagoso noong election. Ayon pa sa mga kosa ko sa Recto Ave., ang lahat ng vendors doon ay hinihingan ng tong na P350 kada gabi at pati magtutuyo o magdadaing ay hindi pinatawad at tig-P50 naman sila. Ang ginagamit nilang tong kolektor ay itong si alyas Abeng Baba. Kasabwat naman ng Task Force ang isang SPO2 Gerry Tubera na ang raket naman ay ang parking sa likod ng opisina nila mismo. At ang tiket na binibigay nila ay peke, ayon sa mga kosa ko. Panay kuha ng litrato ng tropa sa lugar at ginagamit nila bilang dahilan sa mataas na tong nila. Totoo ba na ang asawa ni Tubera ay personal secretary ni Domagoso kaya bagyo sila rito? Araguuyyy! Hak hak hak! Taliwas itong ginagawa ng Task Force sa kagustuhan ni Domagoso na malinis ang Recto Ave., di ba mga kosa?

Ang mag-ina naman na Melda at Nerissa ay pinatawag sa opisina ng SMART noong Miyerkules subalit hindi sila hinuli kundi pinag-lie low lang ng ilang araw. Sa ngayon, tuloy naman ang negosyo nina Melda at Nerissa, lalo na sa pailaw na dapat silipin ng Meralco. Hindi lang ‘yan! Nag-expand pa ang trabaho ng mag-ina dahil sila na sa ngayon ang kumokolekta ng P150 sa bawat kuliglig na bumibiyahe sa naturang lugar. Kaya pala nais ni Domagoso na i-ban ang trip cutting ng mga jeepney at ipinagbawal ang e-trike eh para ang kuliglig naman ang maging hari sa kalye? Araguuyyy! Hak hak hak! Mukhang paunti-unti ay lumalabas na ang tunay na kulay ng butihing mayor namin ah?

Ang huling balita ko, medyo malagihay na ang kampanya ni Domagoso vs vendors dahil nais ng isang alyas Jonathan, chairman Lagamayo at Tubera na magkaroon ng «night market» sa Divisoria. Miniting na nila ang vendors at ayon kay Jonathan, siya na ang bahala kay Domagoso na classmate niya sa Tondo High. Araguuyyy! Magtagumpay kaya ang tropa ni Jonathan? Abangan!

DOMAGOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with