^

Punto Mo

Cell phone ban sa paaralan, pag-aralan pa!

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TULAD sa ibang mga bansa sa mundo, malaking isyu rin dito sa atin sa Pilipinas ang paggamit ng mga estudyante ng cell phone sa loob ng mga eskuwelahan. May mga paaralan, kolehiyo o pamantasan na nagbabawal o naghihigpit sa cell phone sa mga oras ng klase dahil sa ilang masamang epekto nito sa pag-aaral ng mga kabataang mag-aaral.

Noon ngang nakaraang taon, merong lumabas na survey ng Pulse Asia na nagsasaad na 76 na porsiyento ng mga adult Pilipino ang pabor na ipagbawal ang cell phone  sa mga eskuwelahan. May mga panukalang-batas pa nga na para dito pero tila walang nangyayari.

Pero wala pang lumalabas na komprehensibong pag-aaral kung makakatulong o nakakatulong ba sa mga estudyanteng Pilipino kung pagbabawalan silang gumamit ng cell phone habang nasa loob sila ng kanilang eskuwelahan o habang nasa loob sila ng classroom.

Nakaaabala nga ba ito sa kanilang pag-aaral?  Nakakatulong sana ito sa paglilinaw ng mga patakaran sa ganitong mga usapin.

Sana, meron tayong katulad ng isang pag-aaral sa England na ipinalabas ng University of Birmingham nitong buwan ng Pebrero na nagsasabing wala namang kaibahan kahit pagbawalan silang gumamit ng cell phone. Ginawa ang survey sa mga eskuwelahang nagbabawal sa cell phone.

Walang pagbabago sa kanilang tinatawag na mental wellbeing, anxiety, depression, physical activity, sleep, educational outcomes tulad ng nakukuhang grades sa English at Math at ­pag-uugali sa loob ng klase.

Idiniin ng pag-aaral na hindi sapat na ipagbawal ang cell phone para malutas ang mga negatibong epekto nito sa mga estudyante.Maliit lang anila ang epekto sa estudyante ng cell phone ban.

Marami namang magaganda at makabuluhang pakinabang sa cell phone na nagagamit din naman ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Kaso nga lang at totoo naman na may mga abala tulad ng mga video games, social media, messenger, notifications, selfie at iba pa na umaagaw sa kanilang atensiyon at oras habang dumadalo sila sa kanilang mga klase.

Nawawalan sila ng konsentrasyon sa kanilang mga leksyon. May mga estudyante na sa halip makinig sa teacher ay nagiging abala sa kanilang cell phone. Nagagamit pa nga ito sa paggawa ng kodigo kapag may test o ibang pandadaya.

Tulad ng binabanggit sa pag-aaral sa England na nalathala sa Lancet Regional Health Europe, mapapabuti ba ang isang estudyante kung wala siyang hawak na cell phone habang nasa loob siya ng eskuwelahan?

Tataas ba ang grades niya? Wala na bang ibang makakaabala sa sa kanya kung aalisin sa kanya ang gadget na ito? Makakatapos ba siya ng pag-aaral?

Bukod dito, kahit ipagbawal ang cell phone sa eskuwelahan, nagagamit naman ito ng estudyante kapag nasa labas sila o nasa bahay o ibang lugar kaya meron pa ring epekto ito sa kanilang pag-aaral depende sa ginagawa nila sa gadget.

Dahil isa ring makabagong kagamitan sa komunikasyon ang cell phone, nagagamit ito kapag kailangang kontakin ng kanyang pamilya ang estudyante at ganoon din ang huli sa una lalo na kung emergency.

Makakatawag ang estudyante sa sino man at makakahingi ng kaukulang tulong kapag meron siyang problema habang nasa paaralan siya. Isa ito sa nagiging kumplikasyon sa cell phone ban sa eskuwelahan.

Baka kailangan ang ibayo at komprehensibo pang pag-aaral sa cell phone ban!

-ooooo-

Email: [email protected]

ESKWELAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with