Vote buying ng partylist group iimbestigahan ng Comelec

BAGUIO CITY, Philippines — Isang party-list group na sinasabing sangkot sa “vote buying” sa Baguio at Benguet ang iimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec).
Kuha umano sa camera ang pamamahagi ng cash na P100 peso bills kasama ang membership identification cards (ID) ng grupo, sa mga botante sanhi upang maalarma si Comelec-Baguio election supervisor Atty. John Paul A. Martin.
Kaanib umano sa nasabing partylist ang isang incumbent at re-electionist lawmaker sa Gitnang Luzon at ang kanyang first nominee ay malapit nitong kaanak.
Nitong Miyerkules, inilunsad ng Comelec sa pangunguna ni Atty. Martin kasama ang mga government officials, ang kampamya komisyon laban sa vote buying, vote-selling at iba pang election offenses sa Melvin Jones grandstand.
“I’ll dispatch a verification team,” ani Martin, nang personal nitong makita ang mga larawan ng mga ID cards ng party-list group na may kasamang cash in na P100 peso bills na ipinamamahagi sa hindi pa natukoy na lokasyon sa Benguet province.
Nitong Biyernes, inilunsad rin ng poll body ang kampanyang “Committee on Kontra Bigay” para sa kanilang “fortified version” ng “Kontra Bigay Task Force” noong 2022.
Nangako naman si Comelec-Cordillera regional director Atty. Julius Torres na kanila nang sisimulang pakilusin ang kanilang mga komite laban sa vote-buying at vote-selling, at sinabing determinado ang komisyon na mapanagot ang mga lumalabag para sa May elections.
- Latest