^

Punto Mo

‘Labaha’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAPAG nakakakita ako ng labaha, hindi ko maiwasang mainis o magalit kaya. May malaking papel kasi ang labaha sa aking buhay kaya ganun na lamang ang pagkagalit sa nasabing bagay. Mabuti na lang at hindi na uso ang paggamit ng labaha ngayon dahil mga modernong razor na ang ginagamit sa mga barberya.

Nagsimula ang pagkagalit ko sa labaha, noong ako ay walong taong gulang at nasa grade 2. Dalawa kaming magkapatid. Parehong lalaki. Ang kapatid ko—si Ricky ay pitong taong gulang. Maagang nabiyuda si Inay at nag-asawang muli. Ang napangasawa niya ay isang barbero—si Tiyo Nonoy.

Noong una pa, hindi ko gusto si Tiyo Nonoy na maging ikalawang ama. Masama ang kutob ko na hindi siya magiging mabuting asawa ng aking ina. Ang kapatid kong si Ricky, okey lang sa kanya si Tiyo Nonoy. Pero ako, wala akong ka-amor-amor sa ikalawang asawa ng aking ina.

Minsan, kinausap ako ni Inay.

“Paul, bakit parang wala kang kagana-gana kapag kinakausap ni Tiyo Nonoy mo. Nakita ko kanina na wala kang kibo habang kinakausap.”

“Hindi ko siya gusto, Inay,’’ matapang kong sabi.

“Bakit Paul?’’

“Walang hihigit sa kabaitan ni Itay. Malayung-malayo ang ugali ng ikalawa mong asawa.”

“Pero dapat mo nang tanggapin ang lahat—wala na ang itay mo, Paul.’’

“Basta, hindi ko siya gusto!” matigas kong sabi.

(Itutuloy)

RAZOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with