^

Punto Mo

Uok (186)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN ay sinimulan na nina Drew at Tiyo Iluminado ang paglalagay ng mga Uokcoco sa mga niyog na pineste. Apat na Uokcoco ang pinakakawalan nila sa mismong katawan ng niyog. Hinahayaan nilang gumapang ang mga ito sa mga parte ng niyog na may white uok.

“Tama na kaya ang apat na Uokcoco sa bawat puno ng niyog, Drew? Di ba mas marami ay mas maganda? Kung gawin kaya nating anim na Uokcoco?’’

“Sige po Tiyo. Tingnan natin kung gaano kabilis silang nagtrabaho.’’

Anim na Uokcoco ang pinakawalan ni Tiyo Iluminado.

Ganundin ang ginawa niya sa mga sumunod na puno ng niyog na napeste. Halos kalahati ng mga naka­tanim na niyog sa limang ektaryang lupain ni Tiyo Iluminado ay may white uok. Madaling makilala ang mga punong niyog na may white uok ---- madalang ang bunga at ang mga dahon ay maliliit na parang natutuyo.

Dalawang araw ang ka­nilang ginugol sa pagla­lagay ng mga Uokcoco sa mga punong niyog.

“Nasa isang libong puno ang nalagyan natin ng Uokcoco, Drew.’’

“Kabisado mo ang bilang, Tiyo.’’

“Oo. Kasi akong mag-isa ang nagtanim nito. Nabili ko ang lupang ito noon pang nag-aaral si Renato. Na­isangla ko na nga ito pero tinubos ko rin. Sayang kasi kung mawawala sa akin. Malaki na ang hirap ko.’’

“Mabuti pala at natubos mo Tiyo.’’

“Pinagsikapan namin ni Tiya Encarnacion mo.’’

“Kapag nasubukan natin ang husay ng Uokcoco, madadagdagan na ang lupain mo.’’

“Palagay ko, tagumpay tayo, Drew.’’

“Laging positibo lang ang iisipin at tiyak na iyon ang kahahantungan.’’

“Tama ka, Drew. Mga ilang araw kaya ang epekto ng mga Uokcoco.’’

“Maghintay tayo ng one week, Tiyo. Sa isang linggo na tayo pupunta rito.’’

“Sige, Drew.”

 

MAKALIPAS ang isang linggo, nagbalik sila sa niyugan.

Hindi sila makapaniwala sa nakita. Malulusog na ang mga niyog! Wala nang peste!

(Itutuloy)

APAT

NIYOG

SIGE

TAMA

TIYA ENCARNACION

TIYO

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with