^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy sa pag-alis ang Pinoy workers

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy sa pag-alis ang Pinoy workers

SAMPUNG milyong overseas Filipino workers ang nakakalat sa maraming bansa sa mundo at nadaragdagan pa. Naging kakambal na ng mga Pilipino ang pag-alis at magtrabaho sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, kilalang-kilala ang Pilipinas sa pagpapadala ng workers sa ibang bansa. Karaniwang destinasyon ng OFWs ang mga bansa sa Middle East, gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, UAE. Marami ring OFWs sa Hong Kong at Singapore.

Nagsimula ang exodus ng OFWs noong dekada 70. Maraming trabahador na Pinoy ang nagtungo sa Saudi Arabia. Malaki ang naitulong ng OFWs sa pagtatayo ng modernong Saudi Arabia. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga Pinoy sa Saudi. Dati mga trabahador ang nagtutungo roon, ngayon, mga nurses, engineers, architect at pati na rin domestic helpers.

Sa kasalukuyan, nagre-remit ang landbased-OFWs ng $2.48 bilyon samantalang ang seabased-OFWs ay $600 milyon. Malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang ipinadadala ng OFWs. Nangunguna naman ang mga OFWs sa United States sa may pinakamalaking remittances at pangalawa ang Saudi Arabia.

Sa malaking tulong ng OFWs, tanggap na ng lahat na ang pinakamahalagang ini-export ng Pilipinas ay mga workers. Kung ang ibang bansa ay mga mahahalagang produkto ang ini-export, ang Pilipinas ay OFWs. Mahabang panahon na ito ang ini-export at masakit mang tanggapin, marami sa mga ini-export na OFWs ay nagdaranas ng mga hindi makataong pagtrato sa kanilang employer.

Halimbawa sa Kuwait na marami nang Pinay DHs ang pinatay at ni-rape ng amo. Marami rin sa kanila ang hindi pinasusuweldo. Marami ring OFWs ang nagiging biktima ng illegal recruiter at drug syndicate. Isang halimbawa si Mary Jane Veloso na nahuli sa Indonesia makaraang mahulihan ng cocaine sa baggage. Bitay ang hatol sa kanya subalit naibaba dahil sa pakiusap ng Presidente ng Pilipinas. Nakauwi na si Veloso kahapon at nasa Correctional Institution for Women.

Maraming dinaranas ang OFWs habang nasa bansang pinagtatrabahuhan. Napagbibintangan sa kasalanang hindi naman ginawa. Mayroong nakapatay dahil sa pagtatanggol sa sarili. Ang masakit, hindi nakakakuha ng hustisya. May pinupugutan ng ulo at walang kaalam-alam ang gobyerno. 

Noong Disyembre 17, pinasinayaan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers’ (DMW) Bagong Pilipinas One-Stop OFW AKSYON Center, sa Makati. Ito umano ang tutulong sa pangangailangan ng OFWs. Mabilis at tiyak na serbisyo.

Bagama’t may pagkandili ang pamahalaan sa OFWs, wala nang gaganda pa kung matatapos na ang pag-alis ng OFWs. Para matapos na ang katawagan sa Pinas na exporter ng manggagawa.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with