Interesting psychology facts (Part 3)
• May 400 na iba’t ibang klaseng phobia.
• Ang Cotard’s syndrome ay isang psychological disorder kung saan ang nasa isip ng isang tao ay para siyang naagnas na bangkay.
• Ang Erotomania ay kakaibang psychological disorder kung saan naniniwala ang isang tao na may gusto sa kanya ang isang sikat na mayaman at makapangyarihan.
• Hindi nagkakaroon ng schizophrenia ang ipinanganak na bulag. Ngunit kadalasan ay nagkakaroon ng autism ang may congenital blindness. Sila na mula nang isilang ay may matinding problema sa paningin na pinagmumulan ng pagkabulag.
• Ayon sa psychological studies, ang internet trolls ay narcissistic, sadistic, and psychopathic.
• Ang mga comedians ay may “higher depression rate” kaysa average person na walang talent sa pagpapatawa. Ang pagpapatawa ay paraan nila upang mapagaan ang kanilang nadadamang kalungkutan at pagkabalisa sa buhay.
• Ang Hikikomori ay psychological disorder kung saan ang isang tao ay nagtatago sa society sa pamamagitan ng pagkukulong sa kanyang kuwarto sa matagal na panahon. Sa Japan ito madalas mangyari at sa latest data, mga kalahating milyon na sila na may Hikikomori. Dati ay sa mga teenager lang ito nangyayari ngunit sa katagalan, may mga adult na rin ang gumagawa nito.
• Ang “wrap rage” ay galit na nadarama dahil hindi kaagad mabuksan ang isang package.
- Latest