Santa Claus, namuno sa kasalan sa Oklahoma, U.S.A.!
MAAGANG dumalaw si Santa Claus sa Broken Arrow, Oklahoma, para ikasal ang 14 na couples bilang bahagi ng taunang “Wedding Wednesday” na ginanap bago ang Pasko.
Ang okasyong ito, na ikalawang beses nang isinagawa na inorganisa ng lungsod bilang espesyal na selebrasyon ng pagmamahalan ngayong Kapaskuhan.
Bagama’t abala si Santa ngayong holiday season, natuloy ang engrandeng kasalan sa tulong ng kanyang asawang si Mrs. Claus at ng masisipag na mga elf.
Pagkatapos ng seremonya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bagong kasal na sumakay sa mga karwahe na hila ng kabayo.
Ayon kay Erin Hofener, marketing at communications coordinator ng Tourism and Economic Office ng Broken Arrow, mabilis na napuno ang 14 na slots para sa kasalan ngayong taon.
Binanggit din niya na may posibilidad na magdagdag pa ng slots sa susunod na taon dahil sa mainit na pagtanggap ng mga residente.
Ang “Wedding Wednesday” ay naging bahagi ng masayang tradisyon sa Broken Arrow, na pinagsasama ang diwa ng Pasko at selebrasyon ng pagmamahalan, sa ilalim ng pangunguna ni Santa Claus.
- Latest