Pinakamalaking koleksiyon ng mga kuko, naitala sa Atlantic Canada
NOONG 2013, mahigit 24,000 residente ng Atlantic Canada ang nag-ambag ng kanilang mga pinaghinukuhan bilang bahagi ng isang makasaysayang pag-aaral na layong tuklasin ang mga sanhi ng kanser at iba pang malalang sakit.
Ang proyektong pinangasiwaan ng Atlantic Partnership for Tomorrow’s Health (PATH) ay nangalap ng mahigit 250,000 piraso ng mga kuko mula sa mga kalahok na may edad 35-69, kabilang dito ang kanilang mga datos tulad ng body measurement at blood sample.
Ang kakaibang koleksiyong ito ay nagbigay-daan upang maunawaan ng mga siyentipiko kung paano naaapektuhan ng mga environmental factor ang kalusugan ng tao, lalo na’t mataas ang kaso ng kanser sa Atlantic Canada.
Sa pamamagitan ng pag-aaral, natuklasan nila ang kaugnayan ng arsenic mula sa kontaminadong tubig at ang pagtaas ng mga kaso ng bladder at kidney cancer sa rehiyon. Bukod dito, nadiskubre rin ang koneksiyon ng taba ng katawan sa pag-absorb ng arsenic.
Ang tagumpay ng proyekto ay umani pa ng Guinness World Record para sa titulong “Largest Collection of Nail Clippings”—isang kakaibang parangal na nagdulot ng saya sa komunidad habang ginugunita ang kahalagahan ng kanilang ambag sa agham.
- Latest