PAOCC ni Cruz, hahabulin ang guerilla POGO hubs!
MAYROON pang aabot sa 100 guerilla POGO operations sa Pinas at handa na si Undersecretary Gilbert Cruz ng PAOCC na lusubin sila pagdating ng Enero 1. Ayon kay Cruz, sa tulong ng Philippine National Police pupuksain nila itong mga guerilla na POGO at wala silang sasantuhin kahit may opisyal pa ng gobyerno na nasa likod nito.
“There are a lot of red flags, there are a lot of indicators pointing doon sa area na merong POGO operation din. So naituro na namin sa ilang mga LGUs yun and probably pagtutulungan namin ng PNP yung pagtumbok dito sa mga operations na ito,” ayon kay Cruz sa interbyu sa pormal na pagsarado ng POGO sa Island Cove sa Kawit, Cavite nitong Martes.
Ayon kay Cruz, itong POGO facility, na nakatayo sa 33-hectare property ang siyang pinakamalaki sa buong Pinas. May 30,000 ito na empleyado, kalahati nito mga Pinoy noong kasagsagan ng kanilang operation noong 2019. Ang compound ay may kabuuang 57 na buildings, kasama na dito ang dormitoryo para sa mga empleyado, gaming hubs, café’s, groceries, clinic, restaurants, spa’s, beauty saloons at iba pa. Tsk tsk tsk! Kumpleto-rekado ah! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
All-star cast ang mga opisyales ng gobyerno noong pormal na ipinadlak ang mga buildings ng POGO. Maliban kay Cruz, nandun din sina DILG Secretary Jonvic Remulla, PAGCOR chairman Alejandro Tengco, at PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Sinabi ni Tengco na sa pagsara ng POGO sa Island Cove, lahat na ng POGO operations sa Pinas ay sarado na. “Ito nalang po ang natitirang POGO or offshore gaming hub sa buong Pilipinas. Sa umagang ito na naisara na ito wala na pong hub na natitira rito sa atin sa buong bansa,” aniTengco.
Aniya, ang total ban ng POGO sa Pinas ay nangangahulugang mawawalan ng aabot sa P20 bilyon ang kaban ng bansa. Subalit mababawi rin ito sa pamamagitan ng pag-isyu ng makabagong gaming licenses, ang paliwanag pa ni Tengco. Hehehe! Ayos ba Boss Jun?
Sa parte naman ng PNP, nangako si Marbil na makipagtulungan sila sa PAOCC ni Cruz para hadlangan ang patuloy na operation ng guerilla POGO operations.
“Marami kaming report niyan. Hindi natatapos yan. Ang tawag diyan nagma-mushroom sila eh. Meron kaming Task Force Skimmer na compose ng Anti-Cybercrime Group and we have reports namo-monitor namin ‘yung sa online sa internet nila, gaano po yun karaming tao and alam mo may mga foreigners na binabantayan kami,”ang pagtatapat ni Marbil.
“May mga report talaga kami, maririnig niyo, makikita niyo pagtutulungan po namin after January 1 you will see ang power ng gobyerno laban sa mga ganito. We will make sure matutupad ‘yung pangako ng Presidente natin na wala pong POGO by Jan. 1,” dagdag pa ni Marbil. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang Island Cove mga kosa ay dating pag-aari ng pamilya Remulla subalit ibinenta na ito sa real estate developer noong 2017 at ginawang POGO hub nitong 2019. Ayon kay Remulla, walang pakialam ang pamilya niya sa pagpapatakbo ng POGO hub, maging ang kapatid na sina Justice Sec. Jesus Crispin at Gilbert, na isang Pagcor director, ay walang pag-aprub sa POGO hub.
“Walang dumating sa kanya (Justice Secretary Jesus Crispin Remulla) kahit anong pirma para mag-operate ito. Yung kapatid ko na Pagcor director (Gilbert Remulla), noong siya’y in-appoint na, ito lahat ay existing na at wala na siyang pinirmahan in whatever way or form to endorse the operation,” ani Remulla, na Cavite governor nang i-appoint bilang DILG secretary noong Oktiubre. Abangan!
- Latest