^

Punto Mo

EDITORYAL — Leksiyon mula kay Mary Jane Veloso

Pang-masa
EDITORYAL — Leksiyon mula kay Mary Jane Veloso

NAKAUWI na noong Miyerkules (Disyembre 18) si Mary Jane Veloso makaraan ang 14 na taon na pagkakakulong sa Indonesia dahil sa drug trafficking. Itinuloy siya sa Correctional Institution for Women. Sinalubong siya ng kanyang magulang, mga anak at iba pang kaanak sa NAIA subalit sa Correctional na sila nagkita-kita at nagyakapan.

 “Himala” ang nangyari kay Mary Jane na nakaligtas sa firing squad. Naibaba sa habambuhay na pagkabilanggo ang hatol dahil sa mga iniharap na ebidensiya na naging biktima siya ng illegal recruitment.

Mula pa kay dating President Noynoy Aquino nagsimula ang pakikipag-usap sa Presidente ng Indonesia at nagkaroon lamang ng liwanag sa panahon ni President Ferdinand Marcos Jr. Sa pagkakapauwi kay Mary Jane, ang Pilipinas na ang may lubos na karapatan dito at kung pagkakalooban ito ng executive clemency.

Kung palalatain ni Marcos si Veloso, mas malulubos ang kanyang kasiyahan at ganundin ang kanyang mga mahal sa buhay lalo ang kanyang dalawang anak na maliliit pa nang iwan niya para magtrabaho sana bilang maid sa Malaysia. Single mother si Veloso. Nakatapos lamang siya ng high school.

Dati na siyang overseas worker sa Dubai noong 2009 subalit napilitang umuwi makaraang pagtangkaang gahasain ng amo. Noong Abril 2010, ni-recruit siya ni Maria Cristina Sergio para magtrabahong maid sa Malaysia. Nagbayad siya ng P20,000 kay Sergio bilang recruirment fee. Nang dumating sa Kuala Lumpur, sinabi ni Sergio na hindi na available ang trabaho subalit mayroon namang opening sa Indonesia. Ipinag-shopping siya ni Sergio ng mga damit para sa pagtungo sa Indonesia.

Ipinakilala siya ni Sergio sa isang African na nagngangalang “Ike”. Si Ike ang nagbigay ng tiket sa eroplano at isang cell phone. Bilin ni Ike, tawagan siya pagdating sa Indonesia. Nagtungo si Veloso sa Indonesia noong Abril 25, 2010. Pagdating sa airport sa Indonesia, nakuha ng Immigration authorities sa kanyang baggage ang 2.6 kilo ng heroine.

Doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ni Veloso sa kulungan hanggang sa hatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Nahuli naman ang kanyang recruiter na si Sergio at ang kasabwat na si Julius Lacanilao. Sinentensiyahan sila ng habambuhay na pagkabilanggo ng Nueva Viscaya Regional Trial Court noong Enero 2020.

Ang nangyari kay Veloso ay maaring mangyari rin sa ibang Pilipino na sa pagnanais maiahon sa kahirapan ang pamilya ay tatanggapin ang alok na magtrabaho sa ibang bansa kahit kahina-hinala. Malaking leksiyon ang nangyari na huwag basta tatanggap ng padala mula sa ibang tao at baka ikapahamak ito.

MARY JANE VELOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with