^

Probinsiya

Kumander ng NPA, 2 pa todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kumander ng NPA, 2 pa todas sa encounter
Ang palitan ng putok ay tumagal ng mahigit 10 minuto na ikinasawi ng NPA kommander na kinilalang si Vergel Balcueva, may mga alyas na Ka Joey, Disan at James.
STAR/File

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang pinaghihinalaang commander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at dalawang iba pa matapos makasagupa ang tropa ng militar sa magkahiwalay na insidente sa Camarines Sur at Masbate kamakalawa. 

Sa report ng Army’s 9th Infantry Division (ID), dakong alas-9 ng umaga nitong Lunes ng makasagupa ng kanilang tropa sa Army’s 83rd Infantry Battalion (IB) at ng pulisya ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. San Ramon, Tinambac, Camarines Sur.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng mahigit 10 minuto na ikinasawi ng NPA kommander na kinilalang si Vergel Balcueva, may mga alyas na Ka Joey, Disan at James.

Narekober sa lugar ang isang M16 rifle at mga personal na kagamitan.

Samantala, sa ikalawang engkuwentro sa Brgy. San Roque, Esperanza, Masbate, walong rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo. Magkasunod na tumimbuwang ang dalawang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Narekober sa encounter site ang isang M653 rifle, isang cal.38 revolver at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with