^

Probinsiya

3 katao, nakuryente sa Rizal, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 katao, nakuryente sa Rizal, patay
Nabatid na unang nasawi si Mistal,alas- 9:35 ng umaga sa loob ng kanilang subdibisyon sa Brgy. Burgos habang naglalakad pauwi kasama ang kanyang kapatid na si Carlo. Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station (MPS), aksidente umanong napahawak ang biktima sa isang poste na may live wire sanhi upang makuryente ito. Naisugod pa ang biktima sa Casimiro Ynares Hospital ngunit dead on arrival na ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang patay matapos makuryente sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Rizal, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat. Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office (RPPO), kinilala ang mga biktima na sina Jay-R Mistal, 32, construction worker,residente ng La Jolla Subdivision sa Brgy. Burgos, Rodriguez; Alvin Bulatao, 20, ng Village East Subdivision, Brgy. Sto. Domingo, Cainta; at isang di kilalang lalaki, na residente ng Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo.

Nabatid na unang nasawi si Mistal,alas- 9:35 ng umaga sa loob ng kanilang subdibisyon sa Brgy. Burgos habang naglalakad pauwi kasama ang kanyang kapatid na si Carlo. Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station (MPS), aksidente umanong napahawak ang biktima sa isang poste na may live wire sanhi upang makuryente ito. Naisugod pa ang biktima sa Casimiro Ynares Hospital ngunit dead on arrival na ito.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang makuryente at masawi rin si Bulatao sa loob ng kanilang subdibisyon sa Brgy. Sto Domingo, Cainta.

Kasalukuyan umanong abala ang biktima sa pagliligpit ng kanilang mga kagamitan sa loob ng kanilang bahay, na inabot ng baha nang aksidenteng makahawak ng isang live wire. Isinugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Cainta Municipal Hospital ngunit idineklara na ring patay. Samantala, dakong alas-6:00 naman ng gabi nang masawi ang hindi pa kilalang biktima sa JP Rizal St.,Liamzon Village, Brgy.Guitnang Bayan 1,San Mateo matapos na makuryente habang nakalusong sa baha.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng clearing at rescue operation sa lugar ang mga tauhan ng MDRRMO sa lugar nang mamataan nila ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa baha. Una umanong inakala ng mga rescuers na nalunod sa baha ang biktima ngunit napagtantong nakuryente ito nang ma-ground sila sa tubig nang tangkaing iahon ang bangkay nito. Kaagad namang inireport ng grupo sa Command Center ang pangyayari upang kaagad na mapatay ang linya ng kuryente sa lugar at maiahon ang bangkay ng biktima.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with