^

Probinsiya

2 Moro sakay ng pedicab, todas sa ambush!

Pilipino Star Ngayon
2 Moro sakay ng pedicab, todas sa ambush!
Ang isa sa dalawang Moro na napaslang ha- bang nakabulagtang nadatnan ng awtoridad sa pedicab matapos silang tambangan at pag- babarilin ng ‘di kilalang grupo sa Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Huwebes ng umaga.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang lalaking Moro matapos silang tambangan habang lulan ng pedicab sa Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao del Norte nitong umaga ng Huwebes.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at ng Maguin­danao del Norte Provincial Police Office, ang mga napatay sa naturang ambush ay kinilalang sina Mheds Baman at Kusain Abdullah; kapwa residente ng bagong tatag na Pahamuddin municipality na sakop ng Bangsamoro region.

Sa ulat ng pulisya, sakay ng tricycle ang dalawang biktima nang sila ay abangan at pagbabarilin ng mga armado habang padaan sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Kurintem.

Nang makitang napuruhan ang dalawang biktima, mabilis na tumakas ang mga armadong suspek, ayon sa mga saksi.

vuukle comment

DATU ODIN SINSUAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with